Ayon sa aking nabalitaan tungkol sa bagyong Ondoy, sinasabing ito raw ay isa lamang karaniwang bagyo na ating nararanasan, sinasabi nilang hindi ito kasing lakas ng bagyong milenyo na naghatid ng malaking pinsala sa Pilipinas Sinasabi nilang ito’y may kinalaman sa patuloy na pagsasagawa ng minahan na maaaring sanhi ng pagbaha sa Provident Village. Sa katunayan maaring maraming tao ang nagsisisi sa maling bagay na kanilang nagawa. Sa aking pagkakaalam maraming tao rin ang nagsisisihan kung bakit nangyari ang ganitong kalamidad sa ating bansa. Subalit sa aking palagay, sa pagkakataong ito walang sino man ang dapat sisihin kung hindi ang ating sarili na siyang dahilan ng kalamidad na ating nararanasan hanggang ngayon.

Nang aking mapanood ang signos , maraming bagay ang pumasok sa aking isipan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy na numiuipis ang ating ozone layer samantalang marami na sa atin ang nakaaalam tungkol sa mga bagay at paraan upang mapanatili nating malinis at malusog ang ating mundong kinatatayuan. Marami paring gumagamit ng dahas upang masira ang ating kalikasan tulad na lamang ng pagpuputol ng mga puno at pagsira ng kagandahan ng karagatan. Ang pagiging iresponsable ay maari ring isa sa pagsira ng ating kalikasan. Kung atin lamang tunay na aalagan ang ating kalikasan , marami pa sigurong mga ibat ibang uri ng halaman at hayop ang mayroon sa atin haggang ngayon.

Ayon sa aking pagsisiyasat ang ang bagyo ay isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugarumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima. . Isa sa mababang lugar ang San Pablo at Landayan na baha hanggang ngayon. Sinasabi nilang tatagal ang baha ng buwan bago ito maalis. Marami pang lugar ang nasalanta dahilan sa hagupit ng bagyong ondoy. Ang mga palayan ay nasira, maraming tao ang namatay at namatayan. Sa pangyayaring idinulot ng bagyong ondoy, mas lalong maraming tao ang nagugutom at nag kakasakit hanggang ngayon. Sila ay nawalan ng bahay at kagamitan. Kumalat sa ibat ibang bansa at maging sa Internet ang mga ibat ibang nakalulungkot na kwento at pangyayaring naganap noong dinuluhong ng bagyong ondoy ang hilagang silangang baybaying-dagat ng Pilipinas na nagdulot ng napakalakas na ulan sa gitnang lugar ng Luzon na kinabibilangan ng Maynila. Sa unos naganap sa ating bansa ipinakita ng mga Pilipino ang mabuting pakikisama sa kapwa. Napatunayan natin na kaya nating magkaisa sa harap ng maraming pagsubok na dumarating sa atin. Mahirap man o mayaman ay nagkakaisa. Subalit mayroon paring mga taong nanamantala sa kalagayan natin ngayon.Ngunit hindi dapat ito ang maging dahilan upang hindi natin ipag patuloy ang ating mga layunin at ninanais upang muling makaahon. Ang mga bagay-bagay na dumarating sa ating buhay ay isa lamang pagsubok upang tayo ay lalong maging malakas. Dahil bawat araw ay tayo ay lumalaki sa ibat ibang paraan. Tayo ay hindi pa ganap na magaling sa inaakala natin marami pa tayong kailangan na matutunan sa buhay. Kung malaki man ang ating suliranin, isipin nating mayroon tayong Diyos na siyang sandigan sa lahat ng suliranin.

Ako ay nalulungkot sa mga pangyayaring ipinalalabas sa telebisyon kung saan ang ating kahabag habag na kababayan at kapwa mamamayan ay na hihirapan sa kanilang kalagayan ngayon, ngunit ako ako ay natutuwa sa mga taong taos pusong tumutulong sa mga taong nasalanta ng baha maging ang mga ibang lahi ay namamangha sa ipinapakitang gilas ng mga Pilipino. Ating ipagpatuloy ang ating magagawa upang matulungan ang atin mga kababayan mahirap man o mayaman.